Marami nang kabanata ng aking buhay ang nagdaan at ako'y nagagalak na maging bahagi ng inyong buhay ang maging isang miyembro ng AE1EA ay isang malaking karangalan at kayamanan.
Ngayong nalalapit na ang pagtatapos nais kong ipaabot ang aking pasasalamat sa lahat ng aking mga nakakulitan at naging mga kaibigan at sa inyong lahat maraming maraming salamat. Sa mga taong nagtiwala sa akin sana 'y hindi ko kayo nabigo.
Salamat sa naging kagrupo ko sa ibat-ibang asignatura hinding-hindi ko kayo makakalimutan . Ang ating kulitan umaraw man o umulan. Nawa'y nakapagbigay ako ng mga Tip na hip ginhawang kalakip sa bawat isang naging tagapakinig.
Huwag sana ating makakalimutan ang ating mga naging karanasan sa bawat patak ng pawis na dumaloy sa ating mga katawan habang nakababad sa sikat ng araw. Sana'y laging maalala na tayo'y nagkakaisa. Hindi ko rin malilimutan ang mga tagpong kaabang-abang ang suntukan sa loob ng sasakyan at kumain ng nakatayo gamit ang iisang plato.
Magsilbi sanang aral sa ating lahat ang mga tampuhan at di pagkakaintindihan na ang bawat isa sa ati'y may pagkakaiba na dapat tangapin at igalang.
Sa mga solid na wasalak , laging may alak huwag lang gegewang at huwag kalimutan ang ambag.Sana'y laging mag-ingat pagkat lahat ng sobra ay masama.
Ngunit ganun pa man nais ko kayong pasalamatan at sana kayo'y aking natulungan.
Sa mga pambansang ambi ng bayan huwag sana ninyong kalilimutan na ang buhay minsan ay hindi patas tulad ng nangyari sa buhay nina Antonio at Uncle na tulad ninyo ay mayroon ding lihim. Salamat at naging bahagi ako minsan ng inyong clan.
Huwag rin nating kalilimutan ang ibang mga kaibigan na naging bahagi ng ating pamilya sina Danssel, Macapagal Dude, Pulido Laarni, Surita Roselle, Pingul Arxis , Dela Cruz Vicente , Laxa Jude, Charisse at Kenneth. Sa ating mga tawanan sila'y kabilang.Sinong makakalimot sa taong mahilig kumembot at kumanta ng "sayang" ang Big Daddy ng bayan na umaapaw sa yaman.
Ang mga kiligan na ating sinubaybayan at mga intrigang talagang kaabang-abang daig pa sa lakas nina Ondoy at Pepeng sa paghatak sa takilya.
Sa mahabang pasensya at pang-unawa sa bawat insayo na ating pinuntahan mamuti man ang mata sa paghihintay ngunit sa huli ay namunga at nagkaisa. Sa tatlong lugar na ating napuntahan sana'y mga bakas ng mga ala-ala ay hindi kumupas. Ang Astro Park at ang tahanan nina Bea at Erik na naging katuwang natin sa pagbuo ng ating mga sayaw.
Sa aking friend na si Argelina sana'y makapag-aral ka pa sa susunod. Natutuwa ako dahil kahit papaano ay nabawasan ang pagiging mahiyain mo at nagkaroon na ng tiwala sa sarili. Sana'y huwag mo akong makalimutan at tandaan mo lagi " You will always be my friend".
Sa mga neighbors ko sa farmville huwag sana niyo sana kalilimutan na ako'y laging regaluhan kahit araw-araw sa aki'y ok lang. Sa pinakamakulit kong classmate na si Allison Gabriel Bacani salamat sa mga payo at sana'y nakatulong ako sa iyo. Goodluck sa inyo ni Mhine mo sana'y laging maligaya kayo, goodluck next semester.
Kay Bea salamat sa lahat ng tulong financial mo sa mga gift mo sa amin, maraming salamat, sana'y mahanap mo ang tunay mong pag-ibig kay yeah boy. Lagi mong tandaan kapag sa oras ng kagipitan laging bukas ang aming tahanan.
Si Joy ang teammates na laging maaasahan salamat sa pakikinig at pag-alala. Lagi ka sanang mag-ingat kita kita na lang next semester ako EA pa rin.
Ate Yuki salamat po sa mga gift sa farmville , thank you po sa paggabay ninyo sa amin sa mga advisory at mga paala-ala salamat po. Kuya Ian thank you po sa tiwala at naging bahagi ako ng inyong pagkakaibigan sana po ay mahanap mo ang tunay na magmamahal sa iyo at goodluck po sa career ninyo. Nais ko rin pasalamatan ang mga taong sa ati'y gumabay nagtiis at nagpasensya walang iba kundi ang ating mga guro. Sina M' Divine Reyes, S'Dennis Tacadena , M' Dianalyn Herrera, M' Susan Manuel, S' Noli Gudoy , M' Mi Tzi David,M' Joan Santos at M' Luisa Valencia.
Sa inyo pong lahat maraming maraming salamat sana po ay nakapag-iwan kami sa inyo ng tuwa at saya. Mag ibaiba man tayo ng tatahaking daan sana'y hindi magkalimutan sana sa puso'y manahan na minsan sa ating buhay tayo'y naging AE1EA magkakapatid at magkakaibigan hangang sa muli nating pagkikita mga AE1EA alak pa...Sa yo nara
Jeffrey Asebido
Vice President AE1EA Batch 09-10 1st SEM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment